Ni: Lalawi-in M. Pangcoga
Masiu I District
 Updating LIS Version 2.0 at ng New Modified School Forms noong nakaraang Marso 27-28, 2014 na ginanap sa Pacific Heights, siyudad ng Cotabato. Aktibong nakiisa ang mga piling partisipante mula sa iba’t  ibang debisyon kagaya ng Maguindanao I, Maguindanao II, Marawi City, Lanao del Sur II, Lanao del Sur I-A at ng Lanao Del Sur I-B. Naging tagapanayam sa nasabing oryentasyon ang mga taga Dep.Ed-ARMM, Regional Office na pinangunahan ni Prof. Jonathan Deche, ang Chief Planning Officer mula sa Tanggapan ng Sentro, Maynila.

Naging layunin ng programa ang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagwawasto at pagtatama ng lahat ng impormasyong nauukol sa mga mag-aaral mula noong magkaroon ng EBIS (Enhance Basic Information System) noong bagong simula ng pasokan 2013-2014 at maging ang pagtatalakay sa mga paraan at proseso ng pagsasagawa sa mga bagong dep.ed forms na ipinapatupad ng departamento ng edukasyon sa kasalukuyang taon at maging sa mga susunod pang taon ng pasukan.

RANAO STAR


Copyright. 2013. The New Ranao Star. Powered by Blogger.