Ebolusyon ng Sayaw

Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang tagpuang panlipunan, espirituwal, at pangganap. Ginagamit din ang sayaw upang isalarawan ang pamamaraan ng komunikasyong di pasalita sa pagitan ng mga tao o hayop (sayaw ng mga bubuyog, sayaw ng pagtatalik), paggalaw ng mga di natitinag na bagay (sumayaw ang mga dahon sa hangin), at mga anyong pangmusika. Tinatawag na mga mananayaw ang mga taong sumasayaw, maging bata man o may edad. Maaari ring tawagin na sayaw ang isang pangyayari na ginaganap ang pagsayaw. Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng sayaw Depende ang mga kahulugan na kung ano ang binubuo ng sayaw sa panlipunan, kultural, estetika, artistiko, maka-banal na konsiderasyon at sinasakop nito mula sa may tungkuling galaw (katulad ng sayaw na pantao o folk dance) hanggang sa may code, mga pamamaraan ng virtuoso katulad ng ballet. Talaan ng mga pang-usong sayaw na minsan ay hinahangaan hindi lamang sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo. 

Dito makikita ang iba't-ibang sayaw na nahahati sa limang bahagi: ang Sayawing Maria Clara,Sayawing Pambaryo, Sayawing Tribo, Sayawing Pambundok at Sayawing Muslim. Sa palakasan, may nilalaman na disiplinang sayaw ang himnasya, figure skating, at tukmang paglalangoy samantala kadalasang hinahambing ang mga sayaw sa sining marsiyal na 'Kata'. 

Maraming mga negatibo at positibong pananaw ang maaaring maiuugnay sa dalawang magkaibang sayaw. Ngunit, alin nga ba sa mga sayaw na ito ang higit na nakakalamang? Sa katutubong sayaw, ito’y may kahulugan. Maaaring pagpapasalamat sa mga biyayang dumating, pagpapasalamat sa magandang ani, o kaya’y pasasalamat sa pabor na naibigay ng Maykapal. Sinasayaw rin nila ito para sa isang ritwal at ito’y kanilang inaalay sa mga Santo noong unang panahon. Sa nasabing sayaw rin makikita ang mga karakteristik ng isang Pilipina, dahil dito lumalabas ang ating pagka-Pinoy sapagkat ang mga kilos at galaw ay Pinoy na Pinoy. Sa modernong sayaw naman, nagsasaad ito ng ehersisyo at nagbibigay kaligayahan sa mga manonood at pati na rin sa mga kapwa mananayaw. Ngunit, marami rin itong di magandang naidudulot sa atin, tulad na lang na maaaring mabalian ang mga mananayaw sa pagtatambling-tambling gaya sa mga larawang makikita 

Hindi na rin gaanong natatangkilik ang sariling atin sapagkat ginagaya na sa ibang bansa ang mga sayaw, at nawawala na rin ang ating pagka-Pilipino dahil sa bilis ng mga galaw ng mga mananayaw. Ito rin ay nakakasama sa mga kabataan kung gawin itong bisyo – halimbawa na lamang na maabutan ng umaga sa disco house. Ang mga sayaw na Katutubo’t Moderno ay parehong nakakabilib. Ang katutubong sayaw ay ang pagpapahayag ng iba’t ibang saloobin at damdamin. Ito’y isang uri ng pagpapakita ng matinding kaligayahan at kung minsan ay pakikipaglaban Kagaya ng iba’t ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas. Ito rin ay makikita sa makukulay, sari-sari at nakaaanyayang indak at tugtugin na makikita sa halos lahat ng rehiyon ng bansa. Maraming impluwensiyang nagmula sa mga katutubong Ifugao, mga dayuhang Indones, Kastila at Hapon ang makikita sa mga sayaw na gaya ng “Ragragsakan”, “La Jota Moncadena”, “Tinikling”, “Singkil”, “Binasuan”, at “Pandanggo sa Ilaw” ang patuloy na nagbibigay aliw at bighani maging sa mga turista at mga kapwa Pilipino. Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw ng Pilipinas ang maaalab na damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaisa at pagkakaiba na hudyat ng isang bansang binubuo ng 7,107 na mga isla. Samantala, ang modernong sayaw aymaituturing na sining dahil bawat galaw ay nagpapahayag ng kahulugan at bawat sayaw ay nagbubuo ng mga malikhaing galaw. Ito ay mahirap ipaliwanag dahil wala itong maliwanag na katawagan Ito ay simpleng pamamaraan ng sayaw na nauuso sa panahon natin ngayon at isinasayaw ng mga kabataan sa pamamagitan ng mga makabagong tugtugin. Dito sinasaad na bawat sayaw o galaw ay bagay na pampasigla at kabuluhan. 

Bagaman ito ay malayang sayaw na magpalaya sa mananayaw mula sa mga batas ng tradisyunal na sayaw, ang makasining na bahagi ng modernong sayaw ay nagdudulot din ng magandang interpretasyon sa lipunan. Bagaman ito ay malayang sayaw na magpalaya sa mananayaw mula sa mga batas ng tradisyunal na sayaw, ang makasining na bahagi ng modernong sayaw ay nagdudulot din ng magandang interpretasyon sa lipunan. 

May mga sayaw din na may pagtutulad sa isa’t isa, ginagamitan ng mga bagay na magagamit sa istilo ng sayaw, ngunit hindi natin maikakaila na ang sayaw ay may iba’t ibang aspekto sa dating nito sa madla at nanonood. Ang sayaw ay di lamang recreation, nasusukat din dito ang abilidad ng bawat mamamayan at tumutulong malinang ang bawat kakayahan at talento ng bawat Pilipino, maging malusog ang pangangatawan sapagkat ayon sa pagsasaliksik, ang pagsasayaw ay isang mainam at mabisang ehersisyo na makakatulong sa katawan. 



Copyright. 2013. The New Ranao Star. Powered by Blogger.