Ranao, Tara Na! Mamanhikan Tayo
Siyang tunay, na sadyang nakakamangha ang proseso ng pamamanhikan noong unang panahon. Ang pamamanhikan o Kapanoksam ay ang pagpapahayag ng ‘betang’ o "dori" ng isang babae na kung saan ay makakabigay ka ng tinatawag na a) ’Dialaga di Bental’ o isa-taw (pagbibigay alila na maaaring tumbasan ng P30.00 o P40.00 at kalabaw ang pinakamalaking halaga ng ‘diyalaga’ noong kauna-unahang panahon subalit sa kasalukuyan ay nasa halagang sampong porsyento (10%) sa kabuuang dori na inihayag ng panig ng lalake. Maliban dito, ay kinakailangan mo ring ibigay ang ‘Pat Pangkat a Addat’ o "Apat na Pangkat ng Pagkatao" at ito ay ang mga sumusunod:
a) Roran a Gakit o Siwaka - ito ay ang mga regalong maaring nakalagay sa ‘bentang’, isang gintong lalagyan, na naglalaman ng lahat ng uri ng kosmetiks. Pangalawa ay ang "Rengka", uri ng ‘lutowan’ na naglalaman ng kompletong ‘Pembamaan’. Pangatlo ay ang tinatawag na ‘Palao a darpa’ o ‘Kagubatan ng lugar’ kung saan kompletong nakalagay ang tabako, namat, at apog.
b) Pasakalilang - pagbibigay halaga din sa tutugtog ng ‘kulintang’. Ito ay maaaring sa halagang limangdaang piso (P500) na ibibigay alay sa taong tutugtog ng ‘kulintang’. Ang ‘Sikawing’ naman ay pagbibigay halaga para sa ‘Imam’ o pastor sa wikang Filipino, na siyang magbabasa ng kasal. Mayroon din ‘addat’ na ibibigay kung saan tinatawag itong ‘bolawan’ o ‘ginto’ at nauukol naman ito sa mga ‘sultan’ bilang tanda ng respeto. Mayroon ding ‘addat’ na tinatawag na ‘Pagayanan’ o ‘Aabangan’ para naman sa mga ‘bae a labi at potre maamor’ , sila ang may karapatang mag-alay ng ‘paramadali’ para sa aapakan ng ikakasal na lalake.
k) Getas a Riray- pagbibigay halaga sa magsasalaysay sa ‘salsila’ o tala-angkanan ng mga ikakasal. Maaari din itong nasa halagang Limang daang Piso (P500). Ilalahad niya ang pinagmulan ng angkan ng babae at lalaking ikakasal.
d) Kawasatig- pagbibigay halaga sa magtatalumpati at mag-aalay ng ‘bayok’ (katutubong awitin ng mga Meranao sa kasalan) para sa ikakasal. Maaari rin tig-lilimangdaan piso (P500) kada isa. Ang mga nabanggit na "Addat" o (halaga ng Pagkatao), ay maaaring pagmulan ng di pagkatuloy ng kasal kung hindi maidaan sa mabisa at mahusay na usapan ng magkabilang panig. Maliban dito sa Apat na pangunahing "Addat" ay mayroon din ordinaryong ‘Addat’ na tinatawag na "Rampara Addat" na kung saan ay maaaring ibigay sa iisang tao lamang ang halagang itutumbas dito. Ang laki ng halaga ay maaaring may kabuuang tig-lilimang daang piso (P500) o magkano man depende sa pagkakasunduan. Ang mga ordinaryong ‘addat’ na ito ay ang mga sumusunod:
a) Kandit, b) Kapasiti, k) Parasen, d) Sapot, e) Pinding ,g) Makao, h) Bolawa, i) Barandia, k) Pakasalilang
Samantala, masasabi kong ang kaugaliang ito ay maaaring ganundin sa kasalukuyan ngunit magkaiba lamang ng paraan ng pagbibigay. Kung noon, ay ibinibigay ito ng hiwa-hiwalay ngayon ay naging pangkalahatan na.