Pinangungunahan ni Gandamra ang pamimigay ng ayuda sa 'Transitory shelters'
Mismo si Majul U. Gandamra, alkalde ng Lungsod ng Marawi, personal na nangunguna sa patuloy na pamimigay ng Lokal na Pamahalaan ng Marawi ng ayuda or 'relief assistance' para sa mga residente ng iba't ibang transitory shelters sa lungsod, katuwang ang Ministry of Social Services andDevelopment ng Bangsamoro autonomous Region in Muslim Mindanao (MSSD-BARMM).
Kamakailan lamang, matatandaang nauna ng mabigyan ng tig-25 kilos na bigas ang bawat bahay ng mga residente na kasalukuyang nakatira sa Area 6, Sagonsongan Transitory Shelters.
Noong Myerkules lamang, ika-22 ng Abril, patuloy na binigyan ng bigas ang bawat bahay sa Area 1, 2, 3, 4, 5, at 7 at ang nasabing food items upang matustusan ang pangaraw-araw na pagkain ng mga nakatira dito, lalo na ngayong nalalapit na ang simula ng Holy Month of Ramadan.
Susunod naman ang iba pang mga transitory shelters sa lungsod kung saan nakatira ang mga lubos na nangangailangang residente sa lungsod.
Manatiling nakatutok sa Official Facebook Page ng City Government of Marawi para sa karagdagang updates tungkol sa COVID-19.
Rocaya Sumndad Otical Yahya