Ang Sarap ng mga Katutubong Pagkain!
Last of Two Parts. From Last Issue
Ang pagkaing minatamis na Tamokonsi naman karaniwang kulay lupa rin ito. Pinaghalo-halong harina, asukal, itlog at gatas.
Piniprito ito sa mantika habang binubuhos sa kawali mula sa butas ng lagas ng niyog.Hindi ito binibitiwan hanggang sa maghugis na parang kinumpol-kumpol na lubid. Malaki ang pakahulugan dito ng mga Meranao kung saan nagpapakita ito ng isang lubid na hinahawakan ng lahat ng kalaro kung saang sinusubukan nilang hindi mabitiwan at di sila magkakahiwa-hiwalay at ganyan din ang pakahulugan dito ng mga Meranao pagdating sa relasyong ng kanilang pamilya.
Anumang sakunang gumimbal sa kanila ay mananatili parin ang kanilang pagkakapit-bisig para sa kapakanan ng lahat, lalo na kung ang kanilang “maratabat” ang maaapektohan .
Ang Amik ay karaniwang kayumanggi ang kulay nito na may hugis bulkan o “cone”. Ito rin ay pinaghalong asukal, giniling na bigas, tapay, itlog at gatas na ‘Carnation Condense’. Malambot ang dulo nito samantalang medyo matigas naman ang sa bandang gilid. Piniprito ito sa kawali habang tinutusok-tusok ang gilid nito para magmukhang bulkan.
Samantala, sa paggawa o pagluluto ng pagkaing ito,nasusukat din kung sino ang tunay na babaing pantahanang Meranao dahil,ika nga kung hindi ka marunong gumawa nito o kung marunong man ay iba ang naging hugis nito ay masasabing hindi ka naturuan ng magandang-asal ng iyong mga magulang, Katunayan nga, ang mga taong may pusong mamon o matampohin ay hindi maaaring lumapit habang niluluto ito dahil hindi magtatagumpay lalo na kung ang taong matampohin mismo ang gagawa nito.
Gayundin, masusukat din ang pagka-dugong bughaw sa paraan ng pagkain dito. Halimbawa, kung ang isang Meranao ay hinawakan niya ito magmula sa pinakadulo masasabing siya ay kabilang sa mga dugong-bughaw at pag sa gilid naman niya unang hinawakan ay masasabi rin siya’y di kabilang sa mga dugong-bughaw at kung kabilang man ay sadyang siya ay di naturuan ng magandang-asal. Sa pamamagitan din ng pagluluto rito ay nasusukat ang kasinuhan ng isang tao. Kung ang katabi mong tao habang ito ay niluluto ay isang matampohin o may pagka-pusong-mamon ika nga ay hindi ito mabubuo ng husto at sadyang malaki rin ang mantikang masasayang.