Ang Makapangyarihang Trono
Pagmasdan ang iyong kapaligiran, diba’t kayganda ang malalaki, malalapad at makukulay na bandera sa bawat sulok ng lansangan? Iyan ang pinakatalamak sa kasalukuyan, ang pinagtatagisan ng galing at lakas ng ilan sa ating mga kababayan. Ang pagpuputong ng korona o Kandatu at kambae. Subalit sa kabila ng lahat, ako, ikaw, siya at sila, alam ba natin kung papaano nabubuo ang walang kamatayang gawain nating ito? May sapat na kaalaman ba tayo kung sino-sino at ano-ano ang mga katangiang taglay ng pagiging isang pinuno? Hali na kayo at sabayan ninyo akong buklatin ang kasaysayan ng pagiging isang huwarang pinuno.
Ang pamahalaang sultanato ay nagpasimulang makarating sa sulu noong ika-15 siglo. Kaalinsabay din nito ang pagsisimula ng paglalayag ng mga Muslim ng Malayo, si Raha Baguinda na nagmula sa Menangkabaw, Sumatra, ay nakarating sa Sulu. Ang kanyang pangalang Baguinda ay nangangahulugang isang prinsipe sa wika ng mga taga-Menengkabaw. Siya ay may mga kasamang Orangkaya o mayayamang mangangalakal.
Nakapag-asawa siya sa Buansa, Jolo at sa tulong ng mga Orangkaya ay napaunlad niya ang Jolo. Ito ay naging isang maunlad na daungan ng mga kalakal.
Sumunod na dumating ay si Sayyid Abubakr na nagmula sa Sumatra. Kaalinsabay ng kanyang pag-alis sa Sumatra ay ang pagiging makapangyarihan ng Imperyong Madjapahit. Ang nabanggit na imperyo ay nagtataguyod ng kulturang Hinduismo. Dahil dito ay umalis siya sa Sumatra dahil siya ay isang Muslim at ang kanyang pangalang Sayyid ay nagpapahayag ng kanyang relasyon kay Propetang Muhammad. Pinili niya ang Sulu na kanyang daungan. Sa panahong iyon ay itinuturing na isang mayaman at maunlad na daungan ng mga kalakal ang Sulu.
Siya ang naging kauna-unang sultan ng Sulu. Binigyan siya ng titulong Sultan Sharief Ul Hasmin. Pinakasalan niya si Paramisuli, ang anak na babae ni Raha Baguinda. Ang Islam na kanyang ipinakilala at itinuro ay hindi bilang isang relihiyon kundi ityo’y napapaloob sa mga institusyong pampulitika at panlipunan (Tantengco, et al. 2007).
Ang Mga Batas at Proseso sa ‘Kandatu’ Pagpuputung ng Korona.
Isa sa pinakamahalaga at iniingatang tradisyon sa buhay ng mga Meranao ay ang kandatu o pagpuputong ng korona sa mga sultan, Bae at Datu. Kaya naman, masyado nila itong binibigyan ng diin ang pagiging sultan o bae. Ayon sa Taritib at Egma, mayroon labimpitong (17) katangian ang hahanapin o titingnan sa taong gustong maging isang sultan, bae, datu o bae a labi:
1) Siya ay isang tunay na Muslim.
2) Nasa wastong edad (nagbibinata at nagdadalaga).
3) Matalas ang pag-iisip.
4) kabilang sa dugong-bughaw.
5) Matapat,
6) Mapagtiis,
7) Deligante kung kumilos,
8) Maunawain,
9) Mapagtimpi,
10) Matapang,
11) Marunong
12) kasasarigan,
13) Makasag,
14) Maungangen ,
15) Kalalagan ,
16) Kamamanisan
17) Nananalig kay Allah.
Samantala, mayroon din Pitong Daan ang dapat tahakin ng isang nais na maging pinuno:
1)Kapakaroroyoden
2)Malaigagaw
3)Linding o pagtao
4)pagsasangguni
5) mapagtiis at mapagtimpi
6) Taga utos ng mabubuti at taga pigil ng masasama
7) Maalalahanin sa lahat ng pagkakatao
Mayroon din Labing-Isang Kalebihan "Anyo" ng isang sultan:
1).Kaluluwa ng bayan;
2) Kotang tinatakbuhan;
3) Sandatang matulis;
4) Mapagkatiwalaang Pinuno;
5) Alam niya ang oras ng pagsasalita at ang panahon ng pagtawa;
6) Laging nasa isip ang kapakanan ng bayan at ng mamamayan;
7) Hindi marunong magbuhat ng sariling upuan maliban nalang kung kinakailangan;
8) Hindi nakakaramdam ng pagkatamad pag may nagsasabi ng mabubuti;
9) Iniingatan niyang madungisan;
10) Mahiyain
11) Matakutin sa Puong Maykapal
Ang Paglalarawan sa Isang Pinuno
Inihalintulad ang isang pinuno sa buong katawan ng tao. Hindi mabubuo ang tao kung ulo lamang ang nakalagay at walang katawan. At hindi rin masasabing tao ang katawan lamang ngunit walang ang ulo. Ito ang relasyon ng isang pinuno sa kaniyang pinamumunuan. Ang ulo ay nanduon ang mata na tinitingnan ng katawan upang di madungisan. Ang mga kamay ay nasa katawan na siyang nangangalaga sa ulo upang walang sakit na makadapo dito. Ito ay ilan lamang sa mga karapatan ng Pinamumunuan sa Pinuno.