Sambayanan, Nagkakaisa sa Pagtulong sa mga Apektado ng Kaguluhan – JTF Marawi
Add caption |
Joint Task Force Marawi, June 20, 2017 – Ang mga sundalo mula sa Joint Task Force Marawi ay nagsasagawa ng repacking of goods mula sa iba’t-ibang hanay ng pribado at publikong sector bilang tulong sa mga evacuees mula sa Marawi City.
Sa loob ng dalawampu’t-pitong araw ng kaguluhan sa Marawi, libo libong mga sibilyan na naapektuhan ang lumikas sa mga evacuation centers. Dahil dito, marami ang nagbibigay-tulong katulad ng pagkain, damit, gamot at tubig para sa mga apektado ng mga kaguluhan.
Ang mga tulong ay nagmula hindi lamang sa Mindanao kundi sa iba bahagi ng Pilipinas sa Luzon at Visayas. “Hindi na mabilang ang mga nagpapadala at nagpapahiwatig na nais nilang maging bahagi sa pagbibigay-tulong para sa ating mga sundalo at iba pang sibilyan na naapektuhan ng labanan,” sabi ni Brig. Gen. Rolly Bautista, commander ng Joint Task Force Marawi.
“Sa ngalan ng inyong Armed Forces at kapulisan, kami ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa mga naging biktima ng pangyayaring ito. Ang mga pagnanais ng ating mga kababayan sa buong bansa ay nagpapakita ng pagkakaisa ng sambayanan na iwaksi ang mga kaguluhang dulot ng mga terorista,” sabi ni Brig. Gen. Bautista. (Tabak DPAO)